Opisyal nang idineklara ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang kaniyang pagsuporta kay Vice President and presidential candidate Eleonor “Leni” Robredo kung saan ang anunsyo ay isinagawa sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos ngayong Lunes, March 14.
Sa isang joint press conference nina Robredo at Fernando na ginanap sa Giron Hall ng Barasoain Church, kinumpirma ng gobernador ang kaniyang full support para sa kandidatura ni VP Leni sa pagka-pangulo sa nalalapit na 2022 national and local elections sa Mayo 9.
“Isang pinuno na may matatag na pananampalataya sa Diyos, siya ang ibinigay ng itaas sa aking panalangin para piliin ko kung sino ang karapat-dapat na mamuno ng bansa. Taos puso kong sinusuportahan ang ating bise presidente na siyang susunod na Presidente ng Pilipinas,” wika ng gobernador.
“Let a woman lead, let Leni lead and God bless the Philippines,” wika ni Fernando.
“Robredo is the only candidate who has consistently stood for the marginalized and voiceless in the society,” ani Fernando.
Lubos naman ang pasasalamat ni Robredo kay Fernando sa nasabing for his support as well as the other local candidates in Bulacan.
Kaugnay naman sa press release ng kampo ni Bong Bong Marcos sinabi ni Fernando na “I was misquoted”.
“Ito na yun exclamation point sa sinasabi ng kabilang kampo, very symbolic ang araw na ito at nakuha natin ang suporta ni Gob Daniel. Isang pagpapasyang nagpapakita ng kung alin ang mas nakakabuti para sa bayan. Alam ko na hindi ito madali para sa kaniya, pero yun pagtayo sa ngalan ng prinsipyo ay isang bagay na ninanais natin na sana ay lahat ng lingkod bayan natin ay ganyan din,” ayon kay Robredo.
Matatandaan nitong March 5, nasa 45,000 Bulakenyos ang nagpakita ng suporta sa Robredo-Pangilinan tandem sa isinagawang Bulacan Grand Rally sa new Malolos City Hall.
Kasama ni Fernando ang kaniyang runningmate na isa rin actor na si Bokal Alex Castro at ang mga kasama at kaalyado sa National Unity Party (NUP) sa nasabing support-declaration.