Bulacan hinigpitan laban kontra African Swine Flu

Ipinag-utos kahapon ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando sa Provincial Veterinary Office, Health Office at Bulacan Police Provincial Office ang paglalagay ng karagdagang mga checkpoints at patuloy na monitoring upang lalong mabantayan ang pagpasok ng mga hog traders sa lalawigan partikular na ang mga binibiyaheng alagang baboy na nagmumula sa labas ng lalawigan ng Bulacan na posibleng apektado ng African Swine Flu (ASF) gayundin ang mga hot meat o double dead meat.

Ito ay matapos makumpirma base sa report ng Department of Agriculture (DA) na ang mga namatay na alagang baboy sa bayan ng Guiguinto ay positibo sa ASF disease.

Nais ng gobernador na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng umanoy misteryosong pagkamatay ng may 62 pang baboy sa lalawigan partikular na sa bayan ng San Miguel at sa lungsod ng Malolos.

Bagamat mayroong mga report kaugnay ng mga namatay 47 baboy sa Malolos at 15 biik sa San Miguel, sinabi ni Dr. Voltaire Basinag ng Bulacan Veterinary Office na nagsasagawa na sila ng mga preventive measures base na rin sa derektiba ng gobernador.

Inatasan din ni Fernando ang Provincial Health Office na magsagawa ng disenfecting sa mga hog farms upang maiwasan ang nasabing viral disease.

Nauna rito ay ipinahayag ng Department of Agriculture na positibo sa nasabing ASF ang mga baboy na namatay kamakailan sa bayan ng Guiguinto kasabay ng pagpapalabas ng mga safety measures sa mga hog farms partikular na sa mga backyard hog raisers.

Samantala, tiniyak nman ng pamunuan ng San Miguel Pure Foods Co., Inc. na nananatiling ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng mga napapabalitang pagkalat ng African Swine Flu (ASF).

Ayon kay External Relations Officer Mac Dormiendo, Corporate Affairs Group ng San Miguel Pure Foods, ang mga pangunahing canned products at refrigerated meats gayundin ang Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa ibat-ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety nito.

Sa official statement ng nasabing kumpanya, nabanggit dito na isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito ay dahil sa “grain-fed” ang mga alagang baboy nito kung saan ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga ito ay gawa sa mga state-of-the-art feedmills ng B-Meg sa ilalim pa rin ng kumpanya.

Aniya, ang mga hog farms at facilities ng kumpanya ay nakasusunod rin sa striktong animal health at biosecurity protocols.

Napag-alaman pa na bago pa man mai-distribute ang mga produkto ay mayroong mga kaukulang permit ang mga ito mula sa mga local government units, Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.

Nabatid pa na sa kabila ng mga protocols na ipinatutupad ng mga LGUs, nananatiling ligtas at available ang mga Pure Foods Canned and refrigerated meats at Monterey sa mga pamilihan at supermarkets, grocery stores, Monterey meat shops at community markets.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews