Bulacan PDDRMO gagawing modelo ng DILG sa Pilipinas

LUNGSOD NG MALOLOS — Ipoposisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) bilang modelo sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Undersecretary Martin Diño sa kanyang pagbisita sa fabric optic cable-powered na Bulacan PDRRMO Operations Center sa Malolos.

Pinuri ni Dino and pamahalaang panlalawigan sa mga ginawa nitong inobasyon, reporma at modernisasyon na isinakatuparan mula nang maitatag ito noong 2009 bilang Rescue 566.

Iniualat ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado kay Diño na sa nakalipas na walong taon ng kanyang panunungkulan, namuhunan ng 92 milyong piso ang pamahalaang panlalawigan sa tulong ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration upang maikabit at magkaroon ng epektibong operasyon ang mga closed-circuit television sa lahat ng sulok ng Bulacan, mula sa kabundukan, kalungsuran hanggang sa mga baybayin.

Bukod dito, ipinabatid din ng gobernador na may tatlong milyong pisong Performance Challenge Fund na natanggap ang pamahalaang panlalawigan mula sa pagkapanalo sa Seal of Good Local Governance noong 2016.

Bilang premyo, itinayo at tinapos noong 2017 ang pasilidad na nagpalaki sa tanggapan at punong himpilan ng PDRRMO na kayang maglaman ng hanggang walong trak ng bumbero, ilang ambulansya at iba pang sasakyang kailangan sa search and rescue.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdami ng mga kagamitang pangsagip sa sakuna at kalamidad ang PDRRMO.

Kabilang dito ang apat na trak na bumbero, dalawang malalaking multi-purpose utility trucks, tatlong ambulansya, dalawang jet ski, mga bangkang de-motor at mga bagong utility pick-ups.

Iba pa rito ang mga kumpletong kasangkapan at kagamitan sakaling may tumamang malakas na lindol at iba pang uri ng mga sakuna at kalamidad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews