Bulacan PMFC nagsagawa ng sorpresang ‘Oplan Galugad” sa Provincial Jail

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang sorpresang inspeksyon na tinaguriang “Oplan Galugad” o “Oplan Grehound” ang isinagawa ng mga operatiba ng First Bulacan Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang Provincial Civil Security and Jail Management Office sa loob ng Bulacan Provincial Jail kamakailan kung saan ibat-ibang uri ng kontrabando ang nakumpiska.

Ito ay pinamunuan nina P/Supt. Ferdinand Germino, Force Commander ng PMFC at Retired Police Sr. Supt. Fernando Villanueva PCSJMO chief kasama ang kani-kanilang mga tauhan upang masamsam ang mga ipinagbabawal na kontrando na naipuslit sa loob ng panlalawigang piitan na may nakakulong na mahigit 3,000 mga inmates.

Base sa report ni Supt. Germino, ang oplan galugad ay isinagawa dakong alas-5 ng umaga nang isagawa ang inspeksyon nitong nakaraang Miyerkules Santo kung saan ay pinalabas mula sa kanilang mga selda ang mga lalaking inmates bago ginalugad ang kanilang smga selda.

Isa-isa ring kinapkapan ang mga bilanggo na tinipon sa open grounds.

Samu’t saring mga kontrabando ang nasamsam sa naturang Oplan Galugad na nagsimula ng alas-5 ng umaga..

Ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na kontrabando sa loob ng panlalawigang piitan ay 4 na handheld radio with charger, 3 pcs ng cellphone, 375 rims ng iba’t ibang brand ng sigarilyo, 5 box ng sex enhancement, mga gamit sa sugal tulad ng 1 majong set, playing cards at ending card sa PBA.

Nakasamsam din ng mga otoridad ng 20 pirasong gunting, mga cutting device at mga chopping knife na gamit sa pagluluto, 4 piraso ng metal saw, mga martilyo at set ng DVD player.

Nabatid din na isang small transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ang nakuha sa isa sa mga selda sa naturang piitan sa pagsasagawa ng Oplan Galugad.

Ayon pa kay Supt. Germino, magpapatuloy ang pagsasagawa nila ng Oplan Galugad sa susunod na mga araw upang matiyak na walang makakapasok na mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng piitan.

Dagdag pa nito na sasailalim sa forensic digital examination ang nakuhang 3 cellphone habang ang naturang isang small sachet na may lamang shabu ay sasailalim sa laboratory examination sa Bulacan Provincial Crime Laboratory office. –ELOISA SILVERIO

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews