Bulacan team muling lumahok sa NBL Season 4

LUNGSOD NG MALOLOS– Pormal na ipinakilala nina Governor Daniel Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owners ang Bulacan Damayan Republicans na siyang magiging kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League (NBLSeason 4 kasabay ng pagbubukas try out sa mahigit 80 basketball afficionados na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito Lunes ng umaga.

Sinabi ni Fernando na habang hindi pa natutuloy ang plano nitong Bulacan Sports Academy dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang layunin niyang palakasin ang mga Bulakenyong atleta kabilang na rito ang muling pag-anib ng nasabing koponan sa bagong professional basketball league sa bansa, ang NBL.

“Gusto kong magkaroon ng advance learning and technology ang mga manlalarong Bulakenyo, pero sa ngayon, nang imbitahan tayo ng NBL, kinuha natin ‘yung opportunity na palakasin ‘yung ating mga homegrown basketball players at i-develop ‘yung kanilang discipline, sportsmanship and humility,” ani Fernando.

Ayon naman kay Cardenas, naniniwala siya at sumusuporta sa gobernador at nais din niyang ipakita na kayang makipaglaban ng mga Bulakenyo sa propesyunal at pambansang liga.

Samantala, sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na makakaasa ang lahat na sinusunod nila ang mga protokol sa kalusugan at palaro ngunit inaasahan din niya na ang mga atleta na rerespetuhin nila ang mga opisyal at iiwas sa anumang gulo sa palaro.

Ipinaliwanag naman ni NBL Executive Vice President Rhose Montreal na inimbitahan nila ang gobernador dahil batid nila ang pagmamahal nito sa isports kung kaya naman nailunsad ang proyektong Bola Kontra Droga ilang taon na ang nakararaan.Bukod dito, inanyayahan din ni NBL Vice President for Operations Commissioner John Edward Aquino ang mga nangangarap maging propesyunal na manlalaro na ituloy ang kanilang mga pangarap at maisakatuparan ito sa pamamagitan ng nasabing bagong liga.

Nabatid kay Montreal na ito ay ika-4 na season ng NBL at unang season naman ngayong 2021 bilang professional league sa bansa. 

Napag-alaman pa na kabilang ang Bulacan sa 1st launching NBL subalit hindi naman napabilang sa nagdaang 2nd at 3rd season dahil sa  masalimoot na kadahilanan at ngayon nga ay nagbabalik sa Season 4 at sa pagkakataong ito ay sa tulong ni Gov. Fernando at ang co-team owner na si Cardenas.

Paglilinaw ng gobernador, ang pagkakalahok ng Bulacan team ay hindi sa ilalim ng pangangasiwa ng provincial government kundi bahagi lamang ito sa mga sumuporta sa nabanggit na koponan at liga.

“The only requirement is the PSA to prove that you really are a homegrown in that area. Apart from that sa age, since professional league na 21-35 na, and everyone will get a license from GAB, not just that coach and players but everyone in the team, and that is a matter of privilege, ibig sabihin ‘pag may ginawa kang mali at after maimbestigahan, pwedeng bawiin,” paliwanag ni Comm. Aquino.

Naitatag ang NBL noong 2018 bilang isang developmetal league at unang professional homegrown league sa mundo na naglalayong paghusayin ang talento ng mga homegrown na atleta ng mga bayan, lungsod o lalawigan na magsisimula sa Abril.Kahanay  na ng NBL ang Philippine Basketball Association (PBA), Manny Pacquiao Basketball League (MPBL) at Chooks-to-Go 3×3 sa listahan ng mga professional leagues sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na magkaroon ng exposure at hindi upang makipagkumpetensya sa kapwa nila propesyunal na paliga.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews