Classrooms natabunan ng putik sa Bagac, Bataan

Natabunan ng mudslide ang ilang classrooms sa Quinawan Elementary School sa Bagac, Bataan bunsod ng sunod sunod na mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Glensy Diwa, OIC ng Bataan PDRRMO, nag inspection na sila sa mga damaged school buildings kasama ang local DRRMO officials para sa assessment ng mga damaged structures base sa naging ulat ng DepEd Bataan.

Nangyari ang mudslide noon pang Agosto 6 at sa ngayon ay inaabangan pa ang assessment dito ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR.
Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang mudslide.

Ayon pa kay Diwa, isa ang naturang paaralan sa nagsisilbing evacuation center kapag may anumang sakuna sa lugar.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews