CLOAs ipinamahagi sa Morong farmers

Nitong nagdaang Biernes ay pinangunahan ni Bataan First District Representative Geraldine B. Roman ang pagro-rollout ng ARBold Project ng Department of Agriculture (DAR) sa bayan ng Morong, Bataan.

Ang ARBold Project ng DAR ay naglalayong magbigay ng dagliang essential support services sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) para tugunan ang mga naging epekto ng Covid-19 pandemic sa sektor ng agrikultura sa buong bansa.  

Sinamahan si Congresswoman Roman nila DAR Sec. John Castriciones kasama sina Usec. Virginia Orogo at Usec. Emily Padilla sa pamamahagi ng Certificates of Land Ownership (CLOA) sa mga farmer beneficiaries at farm inputs para sa vegetable production.

“We are very supportive of their situation. We want to enhance their economic life. This is a message of support coming from the government. We are bringing the government into the doorsteps of the houses of our farmers,” pahayag ni Sec Castriciones sa isinagawang Facebook live report at panayam ni Congresswoman Roman. 

Isang farmer-beneficiary ang personal na pinuntahan nila Rep. Roman at DAR officials at personal na ibinigay ang CLOA nito. 

Ang ilan sa kanila ay maluha-luhang tinanggap ang CLOA dahil karamihan sa kanila ay ilang dekada ang hinintay makamit lamang ang dokumentong ito kaya’t malaki anila ang naging pasasalamat nila sa pagsisikap ni Rep. Roman na maihandog ito sa kanila.  

Tiniyak din ni Rep. Roman na sa kanyang trabaho bilang mambabatas ay kabilang sa mga pangunahing priyoridad niya ay ang general welfare ng mga magsasaka una sa kanyang distrito, kasama maging ang libo libong magbubukid sa bansa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews