D’ Fair, tampok sa Singkaban Festival

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa kauna-unahang pagkakataon, itinampok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Tatak Bulakenyo Virtual Trade Fair na tinawag na D’ Fair Bayanihan of Bulacan MSMEs and Cooperatives Expo and Exhibit na nagsimula na nitong Huwebes at magtatapos hanggang Setyembre 15, 2021.

Pinangunahan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office ang nasabing online trade fair na naglalayong matulungan ang mga lokal na Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pagbangon mula sa kinakaharap na pandemya.

Higit kumulang 25 exhibitors ang lalahok na mag-aalok ng mga Tatak Bulakenyo na produkto tulad ng longganisa, minasa, chicharon at iba pa gayundin ng ilang Kapampangang produkto gamit ang Facebook shop ng TATAK BULAKENYO FB page.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando na tangkilikin at suportahan ang mga ipinagmamalaking produkto ng Bulacan at Pampanga at i-like, i-follow at I-share ang nabanggit na FB page para sa karagdagang impormasyon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews