Delta nagdonate ng antigen test kits sa Bataan

Personal na ibinigay ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda ang mga antigen test kits para sa Probinsya ng Bataan sa ginanap na simpleng seremonya sa The Bunker at the Capitol, Balanga City, Bataan nitong Martes. 

Personal na tinanggap ito ni Bataan Governor Abet Garcia kasama si Vice Governor Cris Garcia at mga alkalde ng Bataan na sina Dinalupihan Mayor Gila Garcia, Hermosa Mayor Jooet Inton, Limay Mayor Nelson David, Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda, DOH personnel, at mga provincial at municipal health personnel. 

Ang mga donasyong antigen kits ay mula sa Sunshine Bay Research and Marketing Corporation. 

Ang antigen ay isa sa 4 na klase ng testing na ginagamit ng mga medical personnel sa pag-detect ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o SARS CoV-2, o mas kilala sa tawag na COVID-19. Ang tatlong iba pa ay ang molecular o RT-PCR testing, antibody testing at saliva-based RT-PCR test. 

Sa antigen ay tinetest ang kasalukuyang impeksyon at dinedetect ang protein ng virus na mas kilala bilang rapid test. Ang antibody testing ay inaalam naman kung nagkaroon na ng dating impeksyon sa virus at kilala rin bilang serologic testing. 

Ang molecular o polymerase chain reaction testing ang sinasabing pinakamaaasahang uri ng test para sa kasalukuyang impeksyon dahil dinedetect nito ang genetic material ng virus. 

Samantala, ang saliva-based RT-PCR test naman ay ang testing gamit ang laway mula sa isang pasyente na ayon sa  Philippine Red Cross research ay may 98.3 percent accuracy rate. 

Gayunman, ayon sa Department of Health, ang nasopharyngeal at oropharyngeal swab testing pa rin ang itinuturing nilang gold standard para sa diagnosis ng COVID-19 gamit ang RT-PCR testing. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews