LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Dadalhin ng Department of Foreign Affairs o DFA ang Mobile Passport Service nito sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Marso 10 mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Ayon kay City Information Officer Ronald Soriano, ito ay laan para sa mga nais magkaroon o mag-renew ng kanilang mga passport.
Simula noong Enero 8 ay tumatangap na ang City Community Affairs Office ng mga application form ng mga nais mag-avail ng naturang serbisyo. Tatagal ito hanggang Pebrero 15.
Para sa mga interesadong kumuha ng passport, kailangan anya ihanda ang mga sumusunod na dokumento kakailanganin tulad ng authenticated birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority at alin man sa mga sumusunod an orihinal at valid IDs: SSS o GSIS unified Multipurpose Identification Card, LTO Driver’s License, PRC ID, OWWA / IDOLE card, COMELEC Voter’s ID o Voters Registration Record, PNP Firearms License, Senior Citizen’s ID at 1,200 pisong application/renewal fee.
Para sa mga karagdagang impormasyon, maaari tumawag sa mga numerong 09399367245 o (044) 815-8693. (CLJD/VFC-PIA 3)