Pormal nang isinagawa ngayong Mierkoles ang blessing at groundbreaking ceremony ng kauna-unahang FAB Registered Enterprise sa labas ng Mariveles Freeport Area of Bataan.
Ito ay ang Dinalupihan Woodlands Economic and Freeport Zone sakop ng Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan
Pinangunahan ang seremonya nila Bataan Vice Governor Cris Garcia, Bataan 2nd District Congressman Joet Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia, AFAB Administrator Emmanuel Pineda at mga investors sa pangunguna ni Atty. Elmer Sy.
Sa naging business presentation sa Bulwagan ng Dinalupihan ay tiniyak ni Mayor Gila Garcia sa panayam ng local media na aabot sa 100,000 bagong trabaho ang malilikha sa susunod na limang taon kapag natapos na ang mga pasilidad ng mga locators dito sa pangunguna ng SINOSUN Group of Companies at iba pang investors sa larangan ng financial services, housing, manufacturing, renewable energy, at modern agriculture.
Samantala, tinatayang nasa P200 million buwis ang kikitain ng LGU-Dinalupihan mula sa RPT o real property taxes mula sa mga locators ng naturang Freeport zone.