DOLE nagbigay ayuda sa may 66,368 manggagawa sa Gitnang Luzon

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) — Humigit kumulang 66,368 manggagawa sa pribadong sektor na napapabilang sa tinatawag na “formal sector” ang tumanggap ng tig-limang libong pisong ayuda mula sa Department of Labor and Employment o DOLE.

Layunin ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP ng ahensya na tulungan yung mga apektado ng flexible work arrangements o temporary closure dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Inilahad ni DOLE Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita na as of April 21 ay nakapagrelease na sila ng 331.84 milyong pisong halaga ng ayuda para sa 66,368 manggagawa mula sa 3,171 establisyemento sa rehiyon.

Sa numerong yan, may 1,086 manggagawa mula sa 101 establisyemento sa Aurora; 8,164 manggagawa mula sa 409 establisyemento sa Bataan; 19,876 manggagawa mula sa 730 establisyemento sa Bulacan; 5,930 manggagawa mula sa 419 establisyemento sa Nueva Ecija; 19,857 manggagawa mula sa 807 establisyemento sa Pampanga; 4,238 manggagawa mula sa 311 establisyemento sa Tarlac; at 7,217 manggagawa mula sa 394 establisyemento sa Zambales.

Ang pamamahagi ng naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act. 

Bukod sa DOLE, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development at Department of Agriculture.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews