DPWH naglaan ng P900M para sa Manila North Road rehab

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naglaan ng P900 milyon upang mapabuti ang kalidad ng kalsada sa kahabaan ng Manila North Road dating Mac Arthur Highway mula sa bayan ng Bocaue hanggang sa Calumpit.

Kinumpirma ito ni DPWH First Bulacan District Engineer Henry Alcantara kung saan karamihan sa mga sira-sira na kalsada ay dulot ng pagdaan ng mga naglalakihan at overloaded na mga truck.

Itataas naman ang mga low-lying areas at lalagyan ang magkabilang gilid ng mga drainages kung saan gagamitin dito ang cement treated base technology ayon kay Alcantara.

Ang nasabing mga infrastructure projects sa Manila North Road ay sinimulan sa rehabilitation / reconstruction / upgrading of damaged pavement roads primary roads sa “flood prone area” ng 200-meter Bocaue-Balagtas boundary sa Intercity Section na sinimulan pa nitong Nobyembre 24.

Sinabi ni Alcantara, susundan kaagad ito ng pag-upgrade ng Manila North Road sa kahabaan ng Barangay Tikay sa Malolos City sa bahagi ng warehouse at tanggapan ng National Food Authority (NFA) na may ilang metro ang layo mula sa DPWH First Bulacan District Office.

Sa lugar ng Guiguinto, sakop ng rehabilitasyon ang lugar mula sa Tabang Bridge hanggang sa hangganan ng bayan ng Balagtas na kasama ang pag-upgrade ng Cruz Intersection kung saan matatagpuan ang mga industrial zone.

Sinabi ni Alcantara na ang pondo ay nakapaloob sa ilalim ng Multi-Year Contractual Authority (MYCA) ng 2020 General Appropriation Act -For Later Release (GAA-FLR) na huli na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa COVID- 19 pandemya.

Sinabi ni Chief Maintenance Engr. Ernesto Dauz na marami pang proyekto sa inprastraktura na nakalinya sa iba pang mga bayan sa ilalim ng kanilang nasasakupan kabilang ang asset preservation-preventive maintenance-tertiary road reblocking sa Kilometers 47 at 48, habang rehabilitation / reconstruction and upgrading of damaged pave roads-tertiary roads sa bahagi naman ng General Alejo Santos Highway sa Bustos, Bulacan na may kabuuang P32.913-million pondo.

P5.411-million naman ang nakalaan sa asphalting ng Bocaue-San Jose Road section sa Bocaue, Bulacan.

Renovations are also pending on Pulilan-Calumpit Road with P17.169-million in funding; P25.338-million for Pulilan-Plaridel Diversion Road and P14.772-million for Baliuag-Candaba Road.

Nakaabang na rin ang pagsasaayos sa Pulilan-Calumpit Road na may P17.169-milyon na pondo; P25.338-milyon para sa Pulilan-Plaridel Diversion Road at P14.772-milyon para sa Baliuag-Candaba Road.

Idinagdag pa ni DE Alcantara na ang iba pang nabanggit na mga proyekto ay nasimulan na simula pa ng Disyembre.

Sinabi ni Assistant District Engr. Aris Ramos na nasimulan lamang nila ang mga proyekto sa kalsada dahil sa naantala na paglabas ng pondo dahil sa pandemya ngunit tiniyak niya na tatapusin nila ang lahat ng nasabing proyekto sa loob ng 120 araw o hanggang Marso 2021.

Pinaalalahanan naman ni DE Alcantara ang mga motorista na asahan ang mabigat at masikip na daloy ng trapiko sa mga darating na linggo sa mga nabanggit na kalsada dahil sa mga nasabing pagsasaayos.

Tiniyak naman nito ang mabilis at maginhawang paglalakbay sa sandaling ang lahat ng nasabing mga pagawain ay makumpleto.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews