Drug-free Pampanga

Wala ni isang mayor sa Pampanga ang sangkot sa illegal na droga. Ito ang maiigting na sinabi ni Pampanga Governor Lilia Pineda kumakailan sa regular na meeting ng Provincial Peace and Order Council na ginanap sa City of San Fernando.

“Metung man kareng mayor kening Pampanga alang involved keng illegal drugs,” ayon kay Pineda.

Wala rin umanong “tanim droga” na ginagawa ang mga opisyales ng pamahalaan sa Pampanga. Ang katotohanan nito ay marami ng mga kabataan at matatanda man ang napagamot ng pamahalaan sa Pampanga sa pamumuno ni Pineda.

Ang mga pahayag ni Pineda ay taliwas sa mga paratang ni Pyra Lucas na sangkot ang mga pulis sa “tanim droga” na kung saan ang kanyang kamaganak na pinangalang “Lando” ay nahulihan ng droga.

Si Lucas ay humabol ng mayor sa Mabalacat at natalo. Siya ngayon ay coordinator ng Volunteers Against Crime and Corruption Pampanga Coordinator (VACC-Pampanga).

Ayon sa pulis, walang basehan ang mga paratang ni Lucas.

Di bat si Lucas din ang nakasuhan ng 58 counts of libel ng Mabalacat vice mayor at councilors matapos nitong akusahan ang mga opisyales na protectors ng mga drug pushers.

Pinabulaanan ni Regional Director General Aaron Aquino ang mga paratang ni Lucas sapagkat si “Lando” ay napagalamang positibo na gumagamit ng illegal na droga.

“I do not know where that issue came from or how it was invented, but, definitely, I can say that there is no ‘tanim droga’ in Central Luzon,” ayon kay Aquino.

Suportado naman ni Mabalacat Mayor Marino Morales sina Mabalacat Police Chief Juritz Rara and Drug Enforcement Unit Head Senior Inspector Melvin Florida. Si Rara at Dlorida at na relieved muna pansamantala habang ineimbestigahan ang isyu patungkol sa “tanim droga.”.

“Maniwala ku at susuportan kula ri Chief of Police Juritz Rara at Senior Inspector Melvin Florida Jr. keng karelang obra laban keng drugs at emi paniwalan na atin tanim droga keni siyudad,” ani Morales.

“We are number one in Pampanga when it comes to accomplishments on illegal drugs at pasalamat ku ini kareng kekatamung kapulisan.”

Labing walong barangays sa Mabalacat na kinabibilangan ng 27 barangays ang drug-free. Ang Mabalacat Police ay nakapagtala ng 116 drug users at 181 pushers na inaresto magmula September 12, 2016 hanggang Abril 26, 2017. Hindi po natutulog ang ating pamahalaan at kapulisan sa Mabalacat.

Ang mga paratang ni Lucas ay walang basehan at pawang imanihasyon lamang niya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews