LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — May 351,643 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.
As of April 23, may 2,285,679,500 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan.
Sa Aurora, 10,361 pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Dingalan (3,222 pamilya), Dilasag (1,217 pamilya), San Luis (1,455 pamilya), Baler (1,631 pamilya), Maria Aurora (1,182 pamilya), Casiguran (981 pamilya), at Dinalungan (673 pamilya).
Sa Bataan, 1,372 pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula sa Pilar (372 pamilya) at Hermosa (1,000 pamilya).
Sa Bulacan, 122,359 pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Pandi (8,857 pamilya), Paombong (2,661 pamilya), Baliuag (15,310 pamilya), Doña Remedios Trinidad (815 pamilya), lungsod ng Malolos (10,236 pamilya), San Miguel (16,541 pamilya), San Rafael (6,630 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (11,839 pamilya), Angat (4,134 pamilya), Bustos (2,714 pamilya), Bulakan (4,013 pamilya), San Ildefonso (2,077 pamilya), Guiguinto (2,247 pamilya), lungsod ng Meycauayan (780 pamilya), Hagonoy (583 pamilya), Plaridel (7,745 pamilya), Bocaue (1,680 pamilya), Sta. Maria (7,379 pamilya), Pulilan (4,132 pamilya), Balagtas (5,536 pamilya), Calumpit (4,514 pamilya) at Norzagaray (1,936 pamilya).
Sa Nueva Ecija, 128,161 pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Licab (2,467 pamilya), Zaragoza (8,900 pamilya), Talavera (8,404 pamilya), San Antonio (9,803 pamilya), Pantabangan (1,986 pamilya), Carranglan (1,713 pamilya), lungsod Agham ng Muñoz (8,113 pamilya), lungsod ng San Jose (15,588 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (9,026 pamilya), General Natividad (7,410 pamilya), Talugtug (3,593 pamilya), Lupao (7,153 pamilya), Quezon (2,276 pamilya), Llanera (1,068 pamilya), Nampicuan (437 pamilya), Peñaranda (1,924 pamilya), Jaen (9,062 pamilya), Rizal (1,125 pamilya), Palayan City (271 pamilya), Guimba (1,452 pamilya), General Tinio (1,867 pamilya), San Leonardo (11,738 pamilya), Cuyapo (5,579 pamilya), Cabiao (3,449 pamilya), San Isidro (2,163 pamilya) at Sta. Rosa (1,594 pamilya).
Sa Pampanga, 51,763 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng San Fernando (5,446), Candaba (4,708 pamilya), Lubao (5,104 pamilya), lungsod ng Mabalacat (1,539 pamilya), Sta. Rita (1,367), Bacolor (572 pamilya), Mexico (2,790 pamilya), Floridablanca (1,536 pamilya), San Simon (2,010 pamilya), Macabebe (1,208 pamilya), Apalit (315 pamilya), Porac (2,988 pamilya), Minalin (4,853 pamilya), Sta. Ana (1,689 pamilya), San Luis (2,915 pamilya), Arayat (4,550 pamilya), Masantol (386 pamilya), Guagua (6,969 pamilya), at Magalang (818 pamilya)
Sa Tarlac, 32,774 pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Ramos (902 pamilya), San Clemente (847 pamilya), San Jose (1,404 pamilya), Pura (1,237 pamilya), Anao (1,002 pamilya), Mayantoc (1,753 pamilya), lungsod ng Tarlac (5,460 pamilya), Capas (1,458 pamilya), Gerona (541 pamilya), Bamban (2,248 pamilya), Moncada (5,173 pamilya), San Manuel (1,512 pamilya), La Paz (2,086 pamilya), Concepcion (1,826 pamilya), Paniqui (4,678 pamilya), at Sta. Ignacia (647 pamilya).
At panghuli sa Zambales, may 4,853 pamilya na ang naambunan ng ESP. Sila ay mula sa Masinloc (206 pamilya) at lungsod ng Olongapo (4,647 pamilya).
Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.
Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture.
Inaasahang makukumpleto ang pamamamahagi ng ESP sa 1.8 milyong mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ngayong ika-30 ng Abril.