EGG project ng DepEd at Microsoft Phl, ilulunsad sa Nueva Ecija

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nakatakdang ilunsad bukas ng Department of Education o DepEd at Microsoft Philippines ang self-contained classroom na magiging kapakipakinabang sa mga estudyanteng nasa malalayong lugar.

Ayon sa DepEd, tinatawag itong EGG Project na kinapapalooban ng classroom at command center na gawa sa container van na maaaring ilipat at ibyahe.

Kasya sa naturang classroom ang nasa 30 estudyante na mayroong kani-kaniyang tablet computer na naglalaman ng mga learning materials mula sa DepEd gayundin ay may telebisyon na magagamit ng mga guro sa pagtuturo.

Ang EGG Command Center ay kayang makatagal sa panahon ng kalamidad at mayroong sariling suplay ng tubig, internet, at kuryente sa lahat ng oras.

Kabilang sa mga inimbitahang personalidad na maging saksi at panauhin sa naturang pagpapasinaya sina Senator Grace Poe, DepEd Secretary Leonor Briones, Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima, Nueva Ecija Governor Czarina Umali, Tarlac Governor Susan Yap, at ang pamunuan ng Microsoft Philippines sa pangunguna ni Managing Director Bertrand Launay. –-Camille C. Nagaño

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews