MARIVELES, Bataan — Lumobo na sa mahigit 44 thousand ang mga manggagawa o workers na nagtatrabaho sa Freeport Area of Bataan.
Ito ang iniulat ng corporate communications department ng Authority of the Freeport Area of Bataan o AFAB.
Sa naturang bilang na umabot sa 44,297 workers, tumaas ito ng 18 porsyento kumpara sa bilang ng emplyedo ng FAB na naitala sa 37,413 workers noong 2018.
Ayon kay AFAB Chairman at Administrator Emmanuel Pineda, ang pagtaas ng employment rate dito ay malinaw na katibayan ng katuparan ng primary mandate ng FAB na inclusive growth at poverty reduction na siyang bisyon noon ni AFAB Law author na si former Bataan 2nd District Congressman at ngayon ay Bataan Governor Abet Garcia.
Dagdag pa ni Chairman Pineda, mula sa 12,099 bilang ng manggagawa noong 2011, ay nakagenerate pa sila ng 33,198 bagong trabaho sa loob ng siyam na taon na syang nagpaunlad ng kabuhayan ng kaparehong bilang ng mga pamilyang nakinabang dahil sa pagkakaroon ng trabaho sa loob ng Bataan Freeport.