Fernando hindi pabor sa limited face-to-fa
Inihayag ni Bulacan Governor Daniel Fernando na hindi siya pabor o hindi nito pahihintulutan ang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga paaralan sa kaniyang nasasakupan.
Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang limited face-to-face classes sa 120 public and private schools partikular na sa mga lugar na itinuturing na low-risk for COVID-19.
Sa kaniyang talumpati nitong Linggo sa isinagawang aid distribution ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pitong barangay sa bayan ng Calumpit, tahasang tinututulan ni Fernando ang napipintong face-toface classes na inihayag ng Department of Education. (DepED).
“Hindi ko po muna papayagan na magkaroon ng face-to-face classes sa Bulacan dahil hindi pa bakunado ang mga bata, kapag bakunado na… pwede na,” ayon kay Fernando.
Mahirap pa aniya sa ngayon ang ipatutupad na limited face-to-face classes bagamat ito ay aprubado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinabi ng gobernador na maninindigan siya na hindi ito maipatupad sa nasabing lalawigan kung mapapabilang man ang probinsiya sa mga papayagan sa naturang panukala.
“For me, I will stand na di ako papayag mag face-to-face,” giit ni Fernando.
Mababatid na nitong nakaraang linggo ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang limited face-to-face classes sa 120 public and private schools partikular na sa mga lugar na itinuturing na low-risk for COVID-19.
Ang pilot run ng naturang limited face-to-face classes ay maximum of 100 public schools na nasa kategoryang “minimal risk” at pasado sa “readiness assessment,” gayundin sa 20 private schools na isinailalim sa jointl validation ng DepEd at Department of Health (DOH).
Sa ngayon ay walang pang anunsiyo ang DepEd kung alin mga paaralan ang mapapabilang sa nasabing pilot run na iiral lamang “only half a day, every other week,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ay ipatutupad sa mga grade level na Kindergarten: 12 students; Grades 1 to 3: 16 students at Technical vocational students in senior high school: 20 students.
Samantala, ayon kay Rowena Tiongson, hepe ng PSWDO, umabot sa libu-libong pamilya na naapektuhan ng nagdaang bagyong Fabian ang nakatanggap ng food packs na naglalaman ng bigas, kape, gatas, noodles, can goods at vitamins.