Bentang-bentang Pagrenta
Isa sa tatlong pangunahing pangangailangan ng tao ang tirahan. Hindi lamang ito nagbibigay ng proteksyon sa ating pisikal na pamumuhay, kundi hakbang ito sa paglalaan ng security para sa ating hinaharap.
Ang pagkakaroon ng tahanan ay pagpapatunay o pagpapatotoo na may narating na ang pinaghirapan sa ating paghahanap-buhay. Ngunit dahil sa pagkakaiba ng katayuan sa buhay at pananaw, may mga tao o pamilya ang mas pinipiling mangupahan.
Ayon sa Isang artikulong inilabas ng Lamudi.com noong May 30 2014, 69% ng mga Pinoy ang mas pinipiling mangupahan. Ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC ) naman ay inestimate na papalo sa mga 5 milyon pabahay ang kakailanganin sa susunod na dekada.
Ang kaganapang ito ay naghahatid sa katanungnang “Bakit nga kaya ganito and kalagayan ng pagbabahay sa panahong ito?”
1. DI KO PA AFFORD – KULANG PA ANG KITA
Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit mas marami ang nagrerenta ay dahil masikip daw sa budget ang pagbili ng bahay.
Kahit pagsamahin pa ang kinikita ng mag-asawa hindi pa rin daw sasasapat ito dahil may ibang pinaglalaanan pang importante tulad ng pagkain o edukasyon ng mga anak. Ang mga minimum wage earners ang kadalasang humaharap sa ganintong issue. Bukod dito, hindi na kailangan pang magbayad ng taunang buwis ng pag-aari tulad ng bahay o magme-maintain ng tirahan dahil hindi rin naman daw sila ang nag-ma-may ari nito.
Sa kabilang dako, kung isusuma ang naibayad sa renta kahit sabihin pang hindi ka nagbayad ng buwis or pagpapanatili ng bahay, hindi kaya mas may kahihinatnan kung ipinuhunan ito sa pabahay na magiging sa iyo o ng iyong maiiwan matapos itong mabayaran? Bukod dito, hindi ba’t taunan din ang pagtaas ng upa kahit hindi tumataas ang sahod?
2. SAKA NA KO MAG-IINVEST
Sa umuusad na psychographic o pagsusuri ng attitude ng nakararami at nakakabatang nagtatrabaho, ang labis na interes ay nilalaan sa mga gadgets at gimik. Hangga’t maaari, mayron silang top of the line o latest celfone, tablet o laptop. Kung kasama ang barkada o mga kaibigan sa opisina, mag-iipon sila para matikman ang pagkain sa kainang pinagkakaguluhanan o sikat o gigimik sa concert, party o out of town trip. Iraraos nila ito maski pa mangutang nang mangutang ng salary loan sa SSS o Pag-IBIG.
Dahil pangunahin sa kanila ang convenience at experience, nanaisin pa nilang mangupahan kaysa bumili ng bahay. Sa mga BPO workers, dumarami na ang makiki-share sa mga kaibigan o kasamahan upang mangupahan sa malapit na condo. O di ba naka-lifestyle na sila kahit papano? E paano naman ang kanilang hinaharap?
3. PALIPAT-LIPAT, PAPALIT-PALIT
May mga iba naman na palipat-lipat ng trabaho o nadedestino sa ibang lugar. Hindi sila napipirmi dala na ng nature ng kanilang gawain. Kaya kung hindi matiyak ang kalalagyan, mas nanaisin nilang mangupahan kesa bumili ng bahay. Marami ang ayaw na mawaliw sa pamilya kaya nga ba’t sinasama nila ang asawa at anak kung san sila malilipat o madedestino. Ang kawalan ng permanenteng lugar ng hanap-buhay ang nagsusulong sa kanilang mag renta na lamang.
4. NEED PA NG MORE INFO AT ADVICE
Hindi lahat ay nahahatiran ng impormasyon tungkol sa matalinong pamumuhunan. Marahil dahil sa mabilis na takbo ng buhay, nakakaligtaan ng ilan ang paglalaan ng panahon upang alamin ang mga kapaki-pakinabang na pamumuhunan o investment sa natitira o naiipon na pera. Kung bibigyan pansin ang mga benepisyo ng buwanang hinuhulugang SSS or Pag-IBIG Fund, magkakaroon na ng kaalaman ang isang member kung ano bukod sa salary loan ang maaari nilang mapakinabangan habang naghahanap-buhay. Halimbawa, napapagaan ang pagbili ng bahay dahil sa nananailing mababang interest rate ng housing loan – maski pa sa mga ibang bangko. Dahil sa mataas na kompetisyon sa real estate, marami ring pagpipiliang pabahay na maaawing umakma sa kakayanan bayaran ito. Lalabas na mas sensible pang bumi li ng bahay kesa mangupahan kung paghahambingin ang 2 options sa haba ng panahong babayaran ang utang na pabahay vs sa pagrerenta.
5. HOMETOWN WOES
Marami ang nakipagsapalaran sa Manila at mga pangunahing syudad dahil sa tingin nila nandito ang mga opportunidad sa kanilang pangarap. Kung palaring magkahanap-buhay at magkaroon ng sapat naipon, bibili o magpapatayo sila ng bahay sa kinagisnang probinsya. Dahil sa taas ng antas ng pamumuhay sa lungsod, ang nagiging tanging paraang may tirahan ay ang magrenta. Marami ang di maiwan ang trabaho sa syudad kaya para manatili at mangungpahan na lamang.
Ang maikling talakayan ay paglalahad ng Ilang dahilan kung bakit marami ang patuloy pa rin namumuhay sa lupa’t bahay na pagmamay-ari ng iba. Dahil sa dikta ng kultura’t pananaw, karaniwang naisasantabi ang kahalagahan ng matalinong pamumuhunan. Bukod dito ang antas ng kabuhayan ay tinitignan na humahadlang sa pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Ito nga ba ay totoo sa lahat ng oras?
Sa pinaghalong sangkap ng konting pagtitiis at makabuluhang paglalaan ng kita, hindi kinakailangang mangupahan habang buhay. Sa karaniwang upa sa lungsod na nagkakahalaga ng P3,000 sa kwarto sa pinapamababang apartment na P5,000 hanggang P10,000 – higit pa ito sa bubunuin sa 30 taon na huhulugang pabahay kahit may iba pang gastusin. Higit sa lahat, mapapasaiyo ang naturang bahay at lupa kapag natapos bayaran na maipamamana sa mga naiwan sa pamilya sa hinaharap.
Ang FIESTA Communities ay katugunan nang matuldukan ang pangungupahan. Sa halagang mula sa P2,570.53 kada buwan, ang magkabahay ay magiging realidad na! Bukod dito, makakatipid ka pa mula P3,000 o P5,000 na buwanang renta at magagamit mo pa ang natipid sa mga ibang gastusin.
Maging mas mapanuri! Maghanda sa iyong kinabukasan. Magkabahay sang-ayon sa makakayanan. Abot kamay ang ganitong adhikain – dito sa FIESTA Communities.
SOURCES:
http://www.lamudi.com.ph/journal/filipinos-prefer-rent-buy-property-research/