HERMOSA, Bataan — Biyaya para sa mga kababayang mangingisda ang hatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic and Aquatic Resources at Hermosa Mayor Jopet Inton nitong nagdaang linggo.
Kabilang sa mga ipinamigay ay ang gill net, marine engine, portable solar lamp, multi-filament net, castnet, fish vending equipment, aquasilviculture, basic water parameter test kits, culture tilapia with nursery net para sa mga fisherfolk association sa Barangay Almacen.
Bahagi ito ng programa ng BFAR Region 3 katuwang ang Department of Agriculture (DA) bilang karagdagang ayuda sa mga mangingisda na kagaya ng mga magsasaka, ay may mahalagang papel na ginagampanan sa food production ng Hermosa at mga karatig bayan.
“Malaking tulong ito sa ating mga mangingisda na walang tigil sa kanilang trabaho kahit sa panahon ng pandemya. Asahan po ninyo ang mas marami pang tulong mula sa ating gobyerno at sa ating LGU upang malamapasan natin ang krisis na hatid ng Covid-19,” pahayag ni Mayor Inton.