Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan kamakailan ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa NChain, isang global leader sa blockchain technology upang magtayo ng digital platform para sa lalawigan.
Sa ginanap na Kapihan sa The Bunker ay ipinaliwanag ni Governor Joet Garcia na ang layunin ng kasunduang ito ay upang mapabilis ang mga kasalukuyang sistema at proseso ng mga serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.
Ang MOU ay nilagdaan ni Governor Garcia at ng Chairman ng NChain AG na si Stefan Matthews. Ang partnership na ito ay upang digitalize ang mga operasyon ng Provincial Government of Bataan o PGB.
Ang NChain ay magbibigay ng expert advice at blockchain-based solutions upang digitize ang mga serbisyo, produkto, at proseso ng estado gamit ang kanilang robust intellectual property rights portfolio.
Sa pamamagitan ng BSV blockchain na pinapatakbo ng nChain, maaasahan ng Bataan ang isang efficient, secure, at transparent system sa pag-digitize ng iba’t ibang ahensya ng estado, at magbibigay ng mas magandang serbisyo at produkto sa mga tao.
Ang roll-out ng teknolohiyang ito ay mangyayari sa darating na buwan habang nagtatrabaho ang PGB at NChain upang maabot ang kanilang pangkalahatang layunin ng fully enabling blockchain technology in government services.