Gob Fernando ipinatawag mga NIA officials kaugnay ng ‘anomalya’ sa Bustos Dam rehab

Ipinatawag ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga opisyales ng National Irrigation Administration (NIA) sa lalawigan upang bigyan linaw ang umanoy” anomalya” sa rehabilitasyon ng Bustos Dam.

Kakaharapin ni Fernando ang mga NIA officials kaugnay ng umanoy inferior quality o mababang kwalidad ng mga materyales na gawa mula sa China na sinasabing ginamit sa rehabilitasyon ng nasabing dam.

Nauna rito ay ibinunyag ni Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa kaniyang speech sa ginanap na session sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan kamakailan na ang ginamit umanong rubber gate material para kumpunihin ang isa sa anim na rubber gates ng Bustos Dam ay “depektibo”.

Ipinaliwanag ni Alvarado kay Fernando na kailangang maibistigahan ang pagkakadiskubre ng mga ginamit na factory defect materials kung saan posible umanong nagkaroon ng pagkukulang sa parte ng Quality Control Division ng NIA .

Dapat umanong mapalitan ang mga sinasabing depektibong materyales na ginamit sa rehabilitasyon ng mga materyales na gawa mula sa Japan at Germany na siyang naksaad sa kontrata at hindi gawa mula sa China, ayon kay Fernando.

Nabatid na taong 2016 nang aprubahan ang P1-bilyong budget para sa rehabilitasyon ng isa sa mga rubber gates kabilang na dito ang pagkongkreto ng main canals ng mga ito.

Napag-alaman na nadiskubre ang sinasabing depektibong materyales sa isinagawang inspeksyunin sa Rubber Gate 5 makaraang makitaan ng pinsala o tagas na pinangangambahang lumala.

“This is a gross and inexcusable negligence that may lead to the loss of hundreds of thousands of lives and a “delubyo” (catastrophe) might happen if all the six rubber gates of the dam collapses that can release a total of 3,000 cms of water that can submerged 16 towns of the province under several feet of floodwater, ” ayon kay Alvarado.

Nabatid na kung masisira ang lahat ng mga rubber gates ay maaari nitong palubugin sa mataas na baha ang mga bayan ng  Bustos, Plaridel, Pandi, Bocaue, Guiguinto, Balagtas, Bulakan, Malolos, Calumpit at Hagunoy.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews