Patay ang isang security guard matapos pagbabarilin malapit sa gate ng kanyang binabantayang subdivision sa Brgy. Mandama, Hermosa, Bataan nitong Sabado ng madaling araw.
Sa report mula kay Police Major Jeffrey Onde, chief of police ng Hermosa PNP, kinilala ang biktimang si Raymond Alejo, 34 anyos, nakatira sa Barangay Silahis, Orani, Bataan at sikyu sa Residencia Hermosa kung saan naganap ang krimen.
Nagtamo ang biktima ng gunshot wound sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ayon kay Major Onde nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para sa ikadarakip ng suspek at malaman ang posibleng motibo sa krimen.