IPINAGDIRIWANG ng Pamahalaang Lokal ng Guiguinto, Bulacan ang kanilang ika-25 taon ng “Halamanan Festival 2023” nang mas masaya at puno ng makulay na aktibidad bilang selebrasyon sa taong ito makaraang isagawa ang opening ceremony nitong Miyerkules.
Pinangunahan ni Mayor Agatha Cruz ang naturang selebrasyon na mayroong temang “Matingkad na Pagkinang, sa 25 Taong Paglinang”, kasama sina Governor Daniel Fernando, 5th District Congressman Ambrosio Cruz Jr. at asawa nito na si Ginang Prescila Cruz, Vice Mayor Banjo Estrella at ang buong kinatawan ng Sangguniang Bayan.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni Gov. Fernando na isa sa prestigious festival sa Bulacan ang Guiguinto’s Halamanan Festival na kiniala at binigyan parangal sa provincial’s Singkaban Festival 2022, ang tinaguriang “mother of all festivals” sa lalawigan.
“Malaking bagay ang magkaroon ng ganitong kasiyahan para ma-showcase natin ang ating mga sariling produkto na nakikilala na sa buong bansa,” anang gobernador.
Ayon pa kay Fernando, ang Bulacan ay the next BGC, next Metro Manila dahil sa mga kasalukuyang development dito kabilang na ang P745 billion Bulacan airport sa bayan ng Bulakan na katabi lang ng bayan ng Guiguinto.
“Tayo ay pinagpala dahil binigyan tayo ng industriya na pinagkakilanlan sa buong bansa na 25 taon na natin pinagyabong mula ng itatag ito ng aking ama na noo’y Mayor Boy Cruz na ngayon ay kongresista ng ika-5 Distrito,” Wika naman ni Mayor Cruz.
“Our garden industry has come along way at patuloy sa paglinang na kinikilala na ngayon ng Department of Tourism,” aniya.
Sinabi naman ni Cong. Cruz na naniniwala siya na ang Halamanan Festival ay magiging Garden Showcase hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.
“Itong halamanan festival na ito ay aabutin pa ng another 25 years . Maraming pangarap at punong-puno ng pag-asa ang kahaharapin ng bayan ng Guiguinto,” wika ng kongresista.
Ayon kay Municipal Administrator Elmer Alcanar, ang weeklong celebration ay kinabibilangan ng Garden Competition sa unang araw na gagaapin sa Guiguinto Municipal Oval at susundan ng “Halamanan Indakan sa Kalye”, na isang street dancing competition kung saan magmumula ang parada nito sa Halamanan Garden City sa Barangay Tabang papuntang municipal oval at sa hapon ay gaganapin naman ang inter-town showdown completion.
“This festival which was launched 25 years ago, is now a crowd drawing attraction akin to the Panagbenga Festival in Baguio, Sinulog Festival in Cebu, Dinagyang Festival in Iloilo and other Philippine Islands festivals,” said Cruz.
“Our garden and landscape industry is now being recognized not only in many parts of the country but in other countries as well. We want to showcase the craftsmanship of our skilled gardeners and landscapers in the annual Halamanan Festival which kicks off on the feast day of our patron Saint San Ildefonso, the saint of farmers,” wika pa ng alkalde.