Gun runner patay sa engkwentro sa Bataan

 4 

Dead on arrival sa ospital ang isang suspected gun runner matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa Brgy. Mulawin, Orani, Bataan, pasado alas dos ng madaling araw nitong Mierkoles. 

Ayon sa ulat mula kay Police Major Alvin Baybayan, hepe ng Bataan CIDG, nakilalala lamang ang suspek na si Alyas Junjun habang nakatakas ang isa pang kasama nito. 

Isinagawa ang police operation ng pinagsanib na pwersa ng Orani MPS sa pamumuno ni Major Ian Revillas at ng CIDG Bataan.

Dagdag pa sa ulat, resulta ito ng isang buwang surveillance base sa impormasyon at intelligence reports na nakalap ni Mulawin Barangay Captain Marvin Dela Cruz. 

Kaagad na nakipagtulungan si Kapitan Dela Cruz sa CIDG Bataan at Orani MPS para mailatag ang entrapment at buy bust operation. 

Ayon sa CIDG nang maramdaman ng suspek na pulis pala ang ka transaksyon ay kaagad itong nagpaputok ng baril kaya’t napilitang depensahan ng mga otoridad ang kanilang hanay. Ang suspek na napatay ay sangkot umano sa bentahan ng baril, granada, dinamita, ilegal na droga at extortion. 

Nakuha sa crime scene ang isang Magnum. 357 at 9mm pistol. 
Dinala ito sa Orani District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival.