Guro patay, 3 sugatan sa Orani road crash

Patay ang isang 31 anyos na guro habang sugatan ang 3 pang katao sa naganap na banggaan ng tanker truck at kotse sa Roman Highway, Brgy. Doña, Orani, Bataan, Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat mula sa Bataan Police Provincial Office, kinilala ni Bataan PPO Director Police Col. Romell Velasco ang biktimang namatay na si Ailene Dulay, residente ng Pagasa, Mariveles, Bataan habang  isinugod din sa Jose Payumo District Hospital ang tatlo pang hindi pinangalanang mga sugatan.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng isang fuel tanker truck (NEO 4887) ang naturang highway nang masakop umano nito ang opposite lane at nabangga nito head-on ang kasalubong na Toyota Vios (AKA 4013) na nagresulta sa naturang road crash. 

Kaagad na rumesponde ang MBDA Rescue Team at isinugod sa nabanggit na ospital ang mga biktima subalit idineklarang DOA ang nasabing guro. 

Bumuhos naman sa social media ang pagdadalamhati ng mga estudyante, kapwa guro, at mga kaibigan at kaanak ng guro nang malaman nila ang naturang trahedya. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.