Handog sa mga senior citizens ng Mariveles, tuloy

Magpapatuloy ang mga regalong handog ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles para mga senior citizens.

Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Jocelyn Castañeda sa mga mamamahayag sa isang news briefing na ginanap sa Seaview Restaurant.

Tiniyak ni Mayor Castañeda na bagamat nagkaroon ng Covid-19 pandemic ay hindi aniya niya nalimutan ang mga nakalinyang mga programa at proyekto sa lahat ng sektor ng Mariveles. 

“Ipagpapatuloy po natin ang birthday cake para sa 9,000 senior citizens plus P1,200 cash gift and groceries po sa tuwing magdiriwang po sila ng kanilang kaarawan,” pahayag pa ng Alkalde. 

Para naman sa mga senior citizens na sumapit na sa kanilang ika-90 taong kapanganakan ay makakatanggap aniya ng P20,000 cash gift. 

Bukod dito ay makakatangap naman ng P100,000 mula sa DSWD ang senior citizen na aabot sa kanyang ika-100 taong araw ng kapanganakan