Hazard pay para sa mga frontliners, media hiniling

Hiniling nila Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa gobyerno na bigyan ng hazard pay ang mga pandemic frontline workers kasama ang media sa gitna na rin ng implementasyon ng enhanced community quarantine.

Dapat anilang mabigyan ng hazard pay ang mga healthcare workers, immigration employees, media workers, at security forces na siyang tumutulong ngayon sa kampanya ng gobyerno laban sa nakakahawang sakit.

Ang mga nabanggit aniyang propesyon ay hindi nagdalawang isip na tumulong sa pamahalaan kahit pa sila din ay vulnerable din na mahawaan ng sakit.

Araw araw aniyang lantad sa virus ang mga ito at mahalagang maprotektahan ang mga nasa frontliners at ang media sa pamamagitan ng pagbibigay ng hazard pay.

Nanawagan naman si Hataman ng pagkakaisa at pakikipagtulungan sa gobyerno para tuluyang masugpo ang coronavirus. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews