Suportado ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang 1Bataan Village township development plan ng provincial government ng Bataan na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay ng mga pamilyang informal settler at pasiglahin ang pag-unlad ng ekonomiya sa Mariveles, Orion, Orani at Balanga City.
Ito ang sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa ginanap na MoU signing at capsule-laying ceremony nitong nagdaang Sabado.
Aniya ang housing and township plan ng Bataan, sa pangunguna ni Gov. Jose Enrique Garcia III, ay dapat na gayahin o gawing modelo sa buong bansa dahil nag-aalok ito ng sustainability.
Ang iminungkahing 1Bataan Village township ay kinabibilangan ng mid-rise at high-rise housing, commercial spaces at recreational parks.
“Ito ang magiging BGC ng Bataan,” pahayag ng Kalihim sa kanyang simple ngunit malamang mensahe.
Dumalo rin sa naturang event ang mga pangunahing lokal na opisyal ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia, 3rd District of Bataan Rep. Gila Garcia, Mayors Francis Garcia, AJ Concepcion, Alex Acuzar, Tonypep Raymundo, Vice Mayor Lito Rubia and SB Members, Board Members Popoy Del Rosario, Angel Sunga and Tony Roman III (na nagrepresenta kay 1st District Rep. Geraldine Roman), Architect Henry Mayuga, AFAB Administrator Emmanuel Pineda, DHSUD at PagIBIG officials, Barangay Officials at ilang benepisyaryo.