‘Ito Ang Tama’ Party-list ipinakilala sa Bulacan

Libu-libong Bulakenyo ang dumagsa at sumuporta sa Grand Launching ng “ITO ANG TAMA” Party-list kung saan ipinakilala ang tatlong nominee na siyang magiging kinatawan ng nasabing party-list sa pangunguna ni dating Guiguinto Mayor Isagani “Tatay Gani” Pascual, Jose Manuel “Boying” Mendoza at Bishop Teodulo “Ted” Malangen na ginanap sa Malolos Sports Convention Center sa Lungsod ng Malolos Miyerkules ng umaga.


Mayor Christian Natividad graces the grand launching of the ITO ANG TAMA Partylis which introduced to thousands of Bulakenyos flocked at the Malolos Sports Convention Center held on Wednesday. –Photo by ERICK SILVERIO

Pormal na ipinakilala at nagpahayag ng suporta si Malolos Mayor Christian Natividad sa ITO ANG TAMA Partylist makaraan siyang maging isa sa panauhing pandangal.


Nominees: Boying Mendoza, Gani Pascual at Ted Malangen

Dumalo rin dito si senatoriable Dong Mangadadatu na isa sa nagbigay ng mensahe sa mga Bulakenyong umaasa ng pagbabago.

Ayon kay Gani Pascual, ang paglulunsad ng ITO ANG TAMA Partylist ang sagot sa pangunahing pangangailangan ng taumbayan sa paniniwalang sa nasabing partylist ay ito ang tama.

“Napapanahon upang makamtan ng bawat Bulakenyo ang aalaga at kakalinga sa mga anak ng Bulacan dahil ITO ANG TAMA!!!, ani Pascual.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews