Kahalagahan ng FOI, ipinaunawa sa mga mamamahayag sa NEcija, Aurora

LUNGSOD NG CABANATUAN — Ipinaunawa sa mga mamamahayag mula sa Nueva Ecija at Aurora ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Freedom of Information o FOI at ang pagkakaroon ng ligtas na hanapbuhay.

Ito ay idinaos kamakailan sa isinagawang seminar ng Nueva Ecija- Aurora Energy Press Corps sa lungsod ng Cabanatuan sa patnubay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.


Ayon kay NGCP Regional Corporate Communications Officer Ernest Lorenz Vidal, layon nitong gawing pamilyar ang mga mamamahayag sa mga programa ng gobyerno upang sila ay maprotektahan at masuportahan tungo sa mas matapang at responsableng pagbabalita.

Aniya, bilang mga pangunahing katuwang sa pagpapadaloy ng impormasyon sa publiko ay nakasuporta ang tanggapan sa samahan sa kanilang pagtupad ng kanilang tungkilin sa pamamahayag.

Dito ay nagsilbing panauhing tagapagsalita sina Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Joel Egco at si FOI Engagement Lead Michelle Manza ng Presidential Communications Operations Office.

Pagbibigay linaw ni Manza, ang FOI ay ang malayang pagkuha ng impormasyon sa gobyerno na makatutulong sa pagdedesisyon ng ordinaryong Pilipino gayundin ay magagamit sa pang-araw araw ng buhay.

Kaugnay nito ay ipinahayag naman ni Egco na nakagabay ang Task Force sa mga mamamahayag sa kanilang paghanap ng katotohanan at pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon. (Camille C. Nagaño)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews