Kauna-unahang FJGAD Section ng Pulisya, itinatag sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Itinatag ng Bulacan Police Provincial Office ang kauna-unahang Family Juvenile Gender and Development o FJGAD Section sa buong bansa sa lahat ng istasyon nito.

Ayon kay Police Provincial Director PCol. Emma Libunao, layunin ng FJGAD Section na protektahan ang interest ng pamilya, kababaihan at bata gayundin siguruhin ang kaligtasan ng mga ito laban sa karahasan, droga, pagsasamantala at impluwensya ng mga komunista.

Ang bawat FJGAD section ay maglalagay ng apat na policewomen at isang policeman na itatataga bilang MOVE advocate o Men Oppose to Violence Against Women Everywhere.

Samantala, kasabay ng pagbuo ng FJGAD Section ang paglikha naman ng kauna-unahang Salaam Desk sa Gitnang Luzon.

Dagdag ni Libunao na ang Salaam Desk ang magbubuklod at makikipag usap sa iba’t ibang Muslim groups upang sama sama sa pagsupo sa krimen, droga at terorismo para sa tuloy tuloy na pag-unlad at katahimikan ng probinsiya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews