NCoV cases sa mga Chinese workers sa FAB pinabulaanan

Pinabulaanan ng Mariveles LGU at ng GN Power Mariveles Coal Plant ang umano’y kumalat na fake news na may mga Chinese nationals na “under observation” dahil sa suspected 2019 NCoV cases.

Ito ang naging ulat nila Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda, legal consultant Atty. Jose Michael Operario at Bobet Racelis ng GN Power Plant sa isinagawang magkahiwalay na news briefing ngayong araw.

Ang bayan ng Mariveles ang tahanan ng Freeport Area of Bataan kung saan may “malaking bilang” ng mga intsik ang nagtatrabaho sa iba’t ibang kumpanya.

Sa nabanggit na coal power plant pa lamang ay may isang libong Chinese nationals na mga workers na, sang ayon kay Racelis.

Tiniyak naman ng Alkalde at ng pamunuan ng planta na patuloy at maayos anila ang koordinasyon nila sa municipal at provincial health offices lalo na anila kung ang pag uusapan ay tungkol sa health and security issues.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews