NEW CLARK CITY, Tarlac — On track ang konstruksyon ng mga sports facilities sa New Clark City o NCC na inaashang makukumpleto sa hosting ng Pilipinas ng ika-30 Southeast Asian Games ngayong 2019.
Kabilang na riyan ang 20,000 seating capacity Athletic Stadium, 2,000 seating capacity Aquatics Center at Athletes’ Village.
Ayon kay Philippine SEA Games Organizing Committee o PHISGOC Deputy Director General for Athletes’ Village Arrey Perez, ang Athletes’ Village ay may kabuuang 525 yunit kung saan ang 95 dito ay inilaan para sa mga for Persons with Disabilities.
Meron din itong amenities gym, library at conference rooms sa bawat palapag; kitchen and dining area; basketball court; swimming pool at deck gardens.
Ininspeksyon ngayong araw ng mga opisyal ng PHISGOC sa pangunguna ni Chairperson at Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano ang konstruksyon ng mga naturang pasilidad kung saan pinangunahan nila ang instalasyon ng mga composite columns para sa Athletic Stadium.