Lacson: Gawing simple ang proseso ng pag-aapply ng loan ng MSMEs

Loan application process ng mga micro, small and medium-sized enterprises (MSME), padadaliin ang proseso.

‘Yan ang pangako ni Presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson sa ginanap na dialogue kasama ang mga residente ng Tarlac City nitong Lunes sa Tarlac State University.

Inihayag ito ni Lacson matapos iparating ng isang negosyante ang kanyang mga hinaing tungkol sa mahirap na proseso ng pag-apply ng low-interest loans mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Land Bank of the Philippines.

Giit ni Lacson, mayroon talagang pagkukulang ang gobyerno sa dissemination at implementation ng mga programang makakatulong para sa mga maliliit na negosyante.

“Alam niyo ba na mayroong nakalaan na P2-billion? Pang-financing talaga ito. Dalawang klase ito, parehong P2-billion. ‘Yung isang P2-billion, ito ‘yung pwedeng ibigay sa napakababang interes para sa mga MSME… Ang problema, bakit hindi kayo sinasabihan?”

Dagdag pa ni Lacson na mahalaga ang pagkakaroon ng mga forum para malaman nila at mapag-aralan ang tunay na concern ng mga mamamayan.

“Kami po, siyempre, kami nalalaman lang namin ito dahil sa pakikipag-open forum na ganito, inaaral namin. At ako mahilig ako magbusisi talaga sa national budget kaya alam kong mayroong dalawang programa under the 2022 GAA para tulungan ang ating mga MSMEs.”

99.5% ng enterprises sa Pilipinas ang nagmumula sa mga MSME.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews