Lady motorcycle rider patay sa Bataan road crash

Patay on the spot ang isang babaeng motorcycle rider sa naganap na road crash sa O. G. Road, Brgy. Sta Isabel, Dinalupihan, Bataan ganap na 10:20a.m. ngayong Biernes.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng media sa PNP, kinasangkutan ito ng isang Mio Sporty single motorcycle at isang 10-wheeler truck.

Ang biktima ay nakilalang si Love Joy Pasamonte, 44 anyos, taga Mabatang, Abucay, Bataan. 

Nabatid sa imbestigasyon ng PNP na binabagtas ng biktima ang naturang kalsada patungo sa area ng Dinalupihan nang masagi umano ito ng isang nag overtake na Isuzu cargo truck (RCU 691) na minamaneho ni Jayson Pineda, taga Concepcion, Tarlac. 

Dahil sa pangyayari ay sumemplang ang motorsiklo ng biktima at nagulungan umano ng back wheel ng truck ang ulo nito na naging sanhi ng agarang kamatayan. 

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng nabanggit na truck.