Landbank nagbukas ng ilang sangay para sa financial assistance ng mga PUV drivers

Binuksan na rin ang ilang sangay ng LandBank of the Philippines o LBP sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, Cavite at Pampanga simula kahapon para mamigay ng cash assistance sa mga qualified PUV drivers sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD. 

Ayon sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board, operational ang mga sangay ng bangko hanggang April 30 mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.

Muling pinaalalahanan ang mga drayber na huwag pumunta sa landbank kung wala pa sa listahan ng DSWD ang pangalan.

Base sa datos, umabot na sa 392,662 na pangalan ng PUV drivers ang naisumite ng LTFRB sa DSWD para sa counter-checking at validation.

Sa oras na ma-validate, ang mga qualified drivers ay isasali ng DSWD sa payroll na siya namang ibibigay sa Landbank para sa pagre-release ng ayuda.

Sa ilalim ng  programa, bawat  benepisyaryo ay makakatanggap ng cash assistance na P5,000 at  P8,000 depende sa regional minimum wage rate.

One thought on “Landbank nagbukas ng ilang sangay para sa financial assistance ng mga PUV drivers

Comments are closed.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews