LGBTQ community sa Hermosa, tumanggap ng ayuda

Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang 15 myembro ng LGBTQ community sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, mula sa pondo ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa, ay tumanggap ang bawat isang benepisyaryo ng P5,000.

Dagdag pa ni Mayor Inton, layon ng naturang ayudang pinansiyal na makatulong sa kanila bilang dagdag ponding pangkabuhayan na labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Kabilang sa mga hanapbuhay o source of income ng mga kabilang sa LGBTQ community sa Hermosa ay ang pagsasaayos ng bulaklak o flower arrangements, pananahi at pag-operate ng salon at beauty parlors.

Isinagawa ang pagbibigay ayuda bilang pakikiisa ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor Jopet sa Pride Month nitong nagdaang buwan ng Hunyo na may temang “SulongVaklash: Sama-Samang Pagaklas ang ating Lunas.” (MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews