Matapos ang pamamahagi ng bigas, itlog, manok sa 14 Barangay ng Samal, Bataan ay personal na pinadaloy naman ng Samal LGU ang pagmamahal hanggang sa mga anak ng sambayanang Samalenyo bilang isa sa mga bunga ng “Aksyon-Malasakit Bayanihan.”
Kahit na sa gitna ng init ng panahon ay personal na binisita ni Samal Mayor Aida Macalinao ang mga nanay at mga babies sa mga barangay dito upang magbigay ng gatas, vitamins at pagkain.
“Salamat sa mga magulang na sinisiguro na ligtas ang ating mga anak at pinagsusumikapan na maitawid ang bawat araw sa gitna ng pandemic na ito,” pahayag ni Mayor Macalinao.
Nagpasalamat din ang Alkalde sa kanyang mga kaibigan na aniya ay patuloy na sumusuporta sa Pamahalaang Bayan ng Samal.