Libreng face shields, face masks ipinamahagi sa LGU-Dinalupihan employees

DINALUPIHAN, Bataan – Ipinag-utos ni Dinalupihan Mayor Maria Angela “Gila” Garcia na magbigay ng libreng face shields sa lahat na empleyado ng munisipyo bilang karagdagang safety gear laban sa Novel Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.

Ayon kay Mayor Garcia, ang paggamit nito ay mandatory during office hours.

Nauna dito, namahagi na rin ng libreng face masks sa lahat na employees ng LGU-Dinalupihan.

As of August 19, 2020 update, mayroong 23 active cases ng Covid-19 ang bayan ng Dinalupihan.

“Ipinapanalangin natin sa Maykapal na masugpo at tuluyan nang mawala ang virus na ito subalit hangga’t walang gamot o vaccine na natutuklasan para dito, ibayong pag-iingat at pagsunod sa safety protocols ang kinakailangan,” panawagan ni Mayor Gila sa kanyang mga kababayan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews