LIMAY, Bataan – Kumpyansa si Limay Vice Mayor Richie David na maaayos nang mapayapa ang sigalot sa pagitan ng management ng Petron Bataan Refinery at ang labor union na kamakailan ay nagsagawa ng labor strike.
Sa isang press briefing ay sinabi ni VM David na bukas ang kanilang mga tanggapan nila ni Limay Mayor Nelson David at ng Sangguniang Bayan para mamagitan at kapwa anila pinangangalagaan ang karapatan ng magkabilang panig.
Matatandan na nitong mga nakalipas na araw ay nagsagawa ng labor strike ang unyong manggagawa sa naturang kumpanya subalit kaagad ding pinabalik sa kanilang trabaho alinsunod sa utos ng
Kalihim Department of Labor and Employment na si Sec. Bebot Bello III.
Sa isang panayam naman mula sa Petron representative, nilinaw nila na ang nangyari ay bahagi ng company wide program para sa kanilang cost cutting measures dahil sa anila ay, “the company is not doing well dahil sa mga naging mga unforseen events” kagaya ng mga nangyaring earthquakes o lindol na nakaapekto anila sa kanilang operasyon ng kanilang refinery.
Ang Petron Bataan Refinery ay itinuturing na siyang pinakamalaking oil refinery sa bansa na isa na ngayon sa mga pangunahing kumpanya sa ilalim ng San Miguel Corporation.
Mayroong napaulat na 24 na empleyado sumailalim sa preventive suspension sa dahilang “they violated company rules, policies” ayon sa isang source mula sa Petron management.
“Even before the DOLE order, they ordered preventive suspension for these 24 employees,” wika ng source na tumangging pangalanan sya.
Sa isyu namang naging sensationalized sa social media, nilinaw ng Petron management na malinaw ang kanilang ipinalabas na press statement na ang binabanggit nilang P100 thousand monthly ay cash at non-cash aspects kabilang ang compensation package kagaya sweldo o salary, allowances, cash and non cash benefits, bonuses, performance incentives, atbp.