Limay Regional Hospital and Trauma Center, itatayo

 10 

Pinangunahan ngayong Hueves ni Bataan Governor Abet Garcia ang Ceremonial Signing of Deed of Conditional Donation sa pagitan ng LGU Limay at Fiesta Communities Inc. para sa itatayong Limay Regional Hospital and Trauma Center.

Sinaksihan ito nila Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia na siyang may akda ng batas para maitayo ito, Limay Mayor Nelson C. David, Vice Mayor Richie Jason David at Fiesta Communities Inc. President Wilfredo Tan.

Sa naturang proyekto ay nagdonate ng 3,000 sqm. na lupain ang Fiesta Communities habang ang Provincial Government ng Bataan ay naglaan ng inisyal na pondong P100 milyon.