Lungsod ng Tarlac nagsagawa ng Disaster Preparedness Seminar para sa mga PWDs

LUNGSOD NG TARLAC — Nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng Tarlac ng Disaster Preparedness Seminar sa may 80 persons with disabilities o PWDs.

Sinabi ni Mayor Cristy Angeles na layunin ng naturang aktibidad, na inorganisa ng City Social Welfare and Development Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office, na magbigay ng tamang kaalaman sa mga PWDs kung paano haharapin ang mga emergency situations partikular ang mga kalamidad.

Ito aniya ay pangako na kanyang iaangat ang bawat Tarlakenyo sa pamamagitan ng mga kapakipakinabang na impormasyon upang walang maiwan lalo na sa panahon ng pangamba at sakuna.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang overview of natural hazards tulad ng bagyo, lindol at pagguho ng lupa. May diskusyon din sa pagkakaroon ng emergency preparedness kits.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews