Maglola kinatay, 1 pa sugatan

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang mag-lola matapos tadtarin ng saksak ng hinihinalang kawatan habang malubha naman ang isa pang apo makaraang pasukin ang kanilang bahay kahapon ng umaga (Enero 7) sa Isabel Village sa Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan PNP provincial director Senior Supt. Chito Bersaluna ang mga nasawing biktima na sina Sylvia Castillo, 64 at Cyrene San Pedro, 14 taong gulang habang malubha naman si James Cyrus Maliksi, 7 taong gulang pawang ng mga nabanggit na lugar.

Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-6:00 ng umaga nang duguang lumabas ang lola mula sa kanilang bahay at humuhingi ng saklolo makaraan umanoy pasukin sila sa kanilang bahay ng isang lalaking magnanakaw.

Agad naman dinala ang lola sa La Consolation Hospital subalit binawian agad ng buhay habang ang mag-pinsan na sina San Pedro at Maliksi ay sa Melverey Hospital isinugod subalit di na umabot ng buhay si San Pedro.

Sa initial na report ng pulisya, nagising umano ang mga biktima sa ingay na dulot ng mga kawatan na umanoy hindi bababa sa 2 katao at nagkaroon umano ng komosyon dahil nanlaban umano si lola kung kayat pinagsasaksak pati ang dalawang apo.

Kahit naghihingalo ay mabilis na tumakas ang mga salarin at nagawang makalabas ng lola at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Ayon kay Bersaluna, mahigpit ngayon ang security sa kinaroroonan ng nabuhay na biktima habang ipinag-utos nito ang massive manhunt operation sa mga suspek.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews