Mayor Jopet nagdonate ng2 container vans  sa PNP PRO3

Bilang suporta at pagtulong sa Philippine National Police Regional Office 3 (PNP PRO3) nag-donate si Hermosa (Bataan) Mayor Jopet Inton ng dalawang container vans.

Ayon kay Mayor Inton, ang ibinigay na container vans ay para gawing isolation facility  na magagamit ng mga miyembro ng kapulisan sa rehiyon. 

Ang naturang donasyon na pormal na tinanggap ni Central Luzon Police Director, Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, ay mula sa personal na kontribusyon ni Mayor Jopet kasama ang kanyang mga kaibigan. 

“Ang dalawang 20-footer container vans ay magsisilbing quarantine facility sa loob ng Camp Capt. Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga.  Ang mga pulis kabilang ang ating PNP Bataan ang gagamit ng mga ito. Asahan niyo po na patuloy po ang suporta ng inyong lingkod sa ating mga kapulisan. Magtulungan tayo kasama ang PNP upang mapanitili ang kapayapaan sa ating Bayan at sa buong Region III,” pahayag ni Mayor Inton.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code