LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Dalawang beses na lamang sa loob ng isang linggo maaring makalabas ang mga taga-Malolos sa kani-kanilang mga bahay.
Sa inilabas na Executive Order no. 27-2020 ni Mayor Gilbert Gatchalian, mas hinigpitan ang pagpapatupad ng ngayo’y pinalawig na Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Kung mula nang magsimula noong Marso 17 ay maaring makalabas ng bahay araw-araw basta’t may dalang quarantine pass, tinakdaan ng tig-dalawang kada isang linggo ang mga barangay. Pinawalang bisa ang dating in-issue na quarantine pass pati ang mga market pass.
Nag-issue ng bagong quarantine pass kung saan iyon na rin ang magsisilbing market pass. Ibig sabihin, ang araw na uubrang lumabas ay iyon na rin ang araw ng pamamalengke.
Partikular na tinukoy sa Executive Order na ito na kapag araw ng Lunes at Huwebes, uubrang makalabas ang kinatawan ng bawat pamilya mula sa mga barangay ng Anilao, Atlag, Caliligawan, Canalate, Dakila, Look 2nd, Mabolo, Masile, Matimbo, Mojon, San Agustin, San Juan, San Pablo, San Vicente, Santisima Trinidad, Sto. Cristo, Sto. Nino at Sto. Rosario.
Sa araw ng Martes at Biyernes, pwedeng lumabas ang mga kinatawan ng pamilya sa barangay Bagong Bayan (dating Santa Isabel), Babatnin, Bagna, Balayong, Balite, Bangkal, Caingin, Calero, Catmon, Cofradia, Guinhawa, Liang, Look 1st, Namayan, Pinagbakahan, Sumapang Matanda, Santiago at Santor.
Habang sa araw naman ng Miyerkules at Sabado ang mga barangay Barihan, Bulihan, Bungahan, Caniogan, Ligas, Longos, Lugam, Mambog, Niugan, Pamarawan, Panasahan, Sumapang Bata, San Gabriel. Taal at Tikay.
Binigyang diin ni Gatchalian na lahat ng mga essential na establishments na tinukoy ng Inter-Agency Task Force o IATF for the Management of Emerging Infectious Disease, ay papayagang magbukas mula Lunes hanggang Sabado.
Sa araw ng Linggo, tanging ang mga ospital, health clinics, lying-in clinics at mga botika ang papayagang magbukas. Magiging araw din ito para sa disinfection ng pamilihang lungsod o ng palengke, gayundin ng mga lansangan sa lahat ng 51 mga barangay.
Kaugnay nito, bagama’t naghigpit ang pamahalaang lungsod tungkol sa pagpapatupad ng ECQ, susundin nito ang mga eksemsiyon na tinukoy sa IATF gaya ng mga health workers, frontliners, force multipliers, essential government employees, employees of essential establishments at mga opisyal ng pamahalaan na gumaganap ng tungkulin.
Samantala, sinumang lalabag dito ay huhulihin at dadalin sa mga prisinto ng Malolos City Police Office.