LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) — May 1,105,423 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.
As of May 3, may 7,185,249,500 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan. Ito ay 73 porsyento na ng kabuuang target na 1,515,847 pamilyang hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Gitnang Luzon.
Sa Aurora, 35,784 pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Dingalan (5,013 pamilya), Dilasag (2,213 pamilya), San Luis (4,443 pamilya), Baler (6,943 pamilya), Maria Aurora (6,636 pamilya), Casiguran (4,280 pamilya), Dinalungan (1,937 pamilya) at Dipaculao (4,319).
Sa Bataan, 47,874 pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula sa Pilar (3,877 pamilya), Bagac (532 pamilya), Dinalupihan (4,774 pamilya), Hermosa (5,701 pamilya), lungsod ng Balanga (5,487 pamilya), Limay (3,112 pamilya), Orion (5,725 pamilya), Abucay (1,472 pamilya), Samal (735 pamilya), Morong (729 pamilya), Mariveles (7,786 pamilya), at Orani (7,944 pamilya).
Sa Bulacan, 333,269 pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Pandi (8,857 pamilya), Paombong (5,923 pamilya), Baliuag (19,400 pamilya), Doña Remedios Trinidad (1,300 pamilya), lungsod ng Malolos (29,891 pamilya), San Miguel (17,000 pamilya), San Rafael (11,300 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (34,677 pamilya), Marilao (21,345 pamilya), Angat (6,991 pamilya), Bustos (7,584 pamilya), Bulakan (9,100 pamilya), San Ildefonso (10,381 pamilya), Guiguinto (12,513 pamilya), lungsod ng Meycauayan (13,000 pamilya), Hagonoy (14,693 pamilya), Plaridel (13,854 pamilya), Bocaue (13,989 pamilya), Sta. Maria (29,627 pamilya), Pulilan (11,900 pamilya), Balagtas (8,800 pamilya), Calumpit (13,130 pamilya), Norzagaray (10,908 pamilya), at Obando (7,106 pamilya).
Sa Nueva Ecija, 307,209 pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Licab (4,472 pamilya), Zaragoza (8,900 pamilya), Talavera (19,728 pamilya), San Antonio (14,097 pamilya), Pantabangan (5,197 pamilya), Carranglan (6,272 pamilya), Laur (4,011 pamilya), lungsod ng Gapan (14,171 pamilya), lungsod Agham ng Muñoz (11,179 pamilya), lungsod ng San Jose (26,610 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (26,920 pamilya), Gabaldon (3,697 pamilya), General Natividad (7,410 pamilya), Talugtug (3,739 pamilya), Bongabon (8,093 pamilya), Lupao (7,274 pamilya), Quezon (3,927 pamilya), Llanera (7,117 pamilya), Nampicuan (2,493 pamilya), Peñaranda (5,974 pamilya), Jaen (12,035 pamilya), Rizal (4,765 pamilya), lungsod ng Palayan (6,369 pamilya), Guimba (6,652 pamilya), General Tinio (8,798 pamilya), San Leonardo (12,704 pamilya), Cuyapo (10,195 pamilya), Cabiao (11,936 pamilya), Santo Domingo (8,771 pamilya), San Isidro (9,696 pamilya), Sta. Rosa (12,847 pamilya) at Aliaga (11,160 pamilya).
Sa Pampanga, 189,780 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng San Fernando (20,795 pamilya), Candaba (9,002 pamilya), Sto. Tomas (4,053 pamilya), Lubao (17,281 pamilya), lungsod ng Mabalacat (10,033 pamilya), Sta. Rita (4,448 pamilya), Bacolor (4,206 pamilya), Mexico (14,291 pamilya), Floridablanca (3,564 pamilya), San Simon (5,458 pamilya), Macabebe (7,331 pamilya), Apalit (10,709 pamilya), Porac (12,688 pamilya), Minalin (5,004 pamilya), Sta. Ana (5,784 pamilya), San Luis (4,975 pamilya), Arayat (13,757 pamilya), Masantol (5,280 pamilya), Guagua (13,090 pamilya), Sasmuan (2,564 pamilya), lungsod ng Angeles (6,443 pamilya), at Magalang (9,024 pamilya).
Sa Tarlac, 139,328 pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Ramos (2,853 pamilya), San Clemente (1,243 pamilya), San Jose (3,571 pamilya), Pura (1,849 pamilya), Anao (1,663 pamilya), Mayantoc (4,123 pamilya), lungsod ng Tarlac (42,339 pamilya), Capas (16,165 pamilya), Gerona (6,635 pamilya), Bamban (7,800 pamilya), Moncada (8,297 pamilya), San Manuel (3,579 pamilya), Camiling (11,508 pamilya), La Paz (4,343 pamilya), Victoria (5,099 pamilya), Concepcion (541 pamilya), Paniqui (14,254 pamilya), at Sta. Ignacia (3,466 pamilya).
At panghuli sa Zambales, may 52,179 pamilya na ang naambunan ng ESP. Sila ay mula sa San Marcelino (646 pamilya), San Narciso (1,526 pamilya), Cabangan (1,460 pamilya), San Antonio (2,935 pamilya), Masinloc (4,725 pamilya), Subic (6,280 pamilya), Botolan (995 pamilya), Sta. Cruz (1,039 pamilya), Castillejos (6,971 pamilya), lungsod ng Olongapo (18,254 pamilya), Candelaria (2,022 pamilya), Iba (1,444 pamilya), San Felipe (2,122 pamilya) at Palauig (1,760 pamilya).
Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.
Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture.