LUNGSOD NG MALOLOS — Isang motorcade ang nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon ng Fire Prevention Month sa Bulacan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o DRRMO Head Felicisima Mungcal na ang motorcade ang nilahukan ng mga pinuno at kawani ng Bureau of Fire Protection o BFP, municipal at city DRRMOs, at mga rescue team.
Kabilang sa iba pang mga aktibidad ang Orientation on Comprehensive Emergency Program for Children, Advance Fire Fighting Training for Bulacan Rescue, Rescue M.A.R.C.H. o Mass Assembly for Rescue and Care for Humanity Bulacan Challenge sa Marso 23 at isang buwang pamamahagi ng information, education and communication materials sa mga Bulakenyo hinggil sa mga payo para maging ligtas at makaiwas sa sunog.
Sa isang pahayag, hinikayat ni Gobernador Wilhelmino Sy Alvarado ang mga Bulakenyo na sundin ang mga payong pangkaligtasan hindi lamang tuwing Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kundi sa loob ng buong taon at kung may emergency tumawag agad sa Bulacan Rescue emergency hotline sa numerong 7910566.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakasentro sa temang “Ligtas na Pilipinas Ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin.”