Nalasing na dalagita pinilahan ng construction worker at 2 menor de edad sa Bulacan

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Halinhinang ginahasa ng tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor de edad ang isang 14-anyos na dalagita matapos munang lasangin ang biktima sa Barangay Muzon, City of San Jose Del Monte, Bulacan nitong Martes. 

Kinilala ni PCol. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office ang mga naarestong suspek na sina Jelan Sucgang, 30, construction worker; alyas Bobby, 16-anyos at alyas Buboy, 17-anyos at pawang nakatira sa  Harmony Hills I, Barangay Muzon, CSJDM, Bulacan. 

Sa report ni PLtCol Gil Domingo. hepe ng San Jose Del Monte City Police Station, inimbitahan ng mga suspek ang biktima upang mag-inuman sa bahay ng suspek na si Sucgang.

Nang malasing umano ang biktima ay dito na sinimulang gahasain ng tatlo ang dalagita ng mga oras na yun ay walang kalaban-laban dahil langong-lango sa alak, ayon sa imbestigasyon.

Sinamantala naman ng biktima ang pagkakataon habang nakatulog ang mga suspek at nagawa nitong makatakas at magsumbong sa barangay.
Agad namang nadakip ng mga nagrespondeng barangay tanod ang mga suspek at dinala sa  San Jose Del Monte City Police Station.

Kasalukuyan nakapiit ang tatlong suspek sa nasabing himpilan at nahaharap sa kasong rape.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews