Namatay na Pinoy sa Beirut explosion, 4 na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng ulat mula sa Philippine Embassy sa Beirut na umakyat na sa apat ang bilang ng mga Pilipino na namatay sa pagsabog sa Lebanon.

Ayon sa DFA, umakyat na rin sa 31 ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa naganap na pagsabog na ikinasawi ng higit sa 100 katao. 

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin matagpuan ang napaulat na nawawalang household service worker. Karamihan naman sa mga napaulat na nawawalang Pinoy ay pawang mga seafarers. 

Kinumpirma rin ng DFA na dalawa sa mga sugatang Pinoy ay nasa kritikal na kalagayan at patuloy na ginagamot sa pangangalaga ng mga medical staff ng Rizk Hospital sa Beirut.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Beirut na tinututukan nila ang pangangailangan ng mga apektadong Pinoy doon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews